Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online filing ng kandidato hirit sa Comelec

0 127

Itinutulak ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez na payagan ng Commission on Elections (Comelec) ang online filing ng certificate of candidacy o COC ngayong nahaharap pa sa pandemya ang bansa.

Sa virtual hearing ng House committee on suffrage and electoral reforms, iminungkahi ni Rodriquez sa Comelec na bumalangkas ng regulasyon para sa online filing ng kandidatura upang maiwasan ang hawaan at pagkalat pa ng COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinaliwanag naman ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na hindi pinapahintulutan ng batas ang online filing ng COC para sa mga politiko.

Dahil dito, sinabi ni Rodriguez na maghahain siya ng isang panukala kung saan ay puwedeng gawing personal o online ang paghahain ng kandidatura. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.