Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online graduation

0 85

Isa sa pinakahihintay ng isang mag-aaral ang kanyang pagtatapos. Kaya marami ang nanghihinayang dahil bawal pa rin ang face to face graduation ngayong hindi pa tapos ang laban ng buong mundo sa Covid-19 pandemic.

Ito na ang ikalawang taon na walang physical graduation. Ang mga estudyante, kailangang makuntento pa rin sa virtual end-of-school-year rites. Base ‘yan sa Dep-Ed Memorandum Number 027 Series of 2021 na pirmado ni Education Secretary Leonor Briones.

Maging ang Commission on Higher Education, hindi rin pinahihintulutan ang mass gathering dahil sa banta ng Covid-19 transmission.

Mahigpit pa rin kasing ipinagbabawal ng Inter-Agency Taskforce on Emerging Infectious Diseases o IATF ang malakihang pagtitipon na posible raw pagmulan ng hawaan ng virus.

Kaya ang mga graduate, pinagpapasa na lang ng litrato para mai-post kasabay ng pagtawag sa kanilang pangalan sa virtual graduation.

Isa ako sa mga graduating student na apektado ng direktibang ito. Sa totoo lang, pangarap kong makapagmartsa sa PICC. Noong nagtapos kasi ako sa kursong Mass Communication, sa loob lang ng campus ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila isinagawa ang graduation rites.

Kaya ngayong natapos ko na ang aking Master in Business Administration, excited akong maka-graduate sa PICC. Pero hindi pa rin ito natupad.

Related Posts

Gayunman, masasabi kong isa ako sa mga graduating student na mapalad pa ring nakaakyat sa entablado sa gitna ng pandemyang ito. Hybrid graduation ang ginawa ng PLM ngayong taon. By cluster ang video shoot sa mga magsisipagtapos.

Naging mahigpit ang PLM sa pagsasagawa nito. Isinailalim sa health check ang mga estudyanteng papasok ng campus para sa video shoot. Dahil per cluster ang shooting, hindi pinahintulutang makapasok sa loob ang ibang graduates hangga’t hindi pa tapos ang naunang grupo. Dapat ding nakasuot ng face mask at face shield ang mga estudyante. Hindi rin pinayagang magsama ng mga magulang o kapamilya ang mga magsisipagtapos.

Sa seremonya, ipinatupad ang may isang metrong social distancing. Bawal ang siksikan. Isa-isang tinawag ang mga magsisipagtapos. Walang naganap na kamayan. Kanya-kanyang kuha ng diploma ang mga estudyante pag-akyat ng entablado. Umakyat din ang graduates na suot ang kani-kanilang face masks.

Pero marami pa ring estudyante ang nanghihinayang na magtatapos sila sa gitna ng pandemya kung kailan hindi pa rin pinapayagan ang face-to-face classes.

Ang tema ng graduation ngayong taon, nakatuon sa pagpapatatag ng kalidad ng edukasyon sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Para sa Dep-Ed, hindi hadlang ang krisis sa kalusugan para mahinto ang pagpapayabong ng kaalaman at karunungan ng mga bata.

Ang sa akin lang – bukod sa mga magsisipagtapos, dapat ding bigyang pugay ang mga guro at magulang na umalalay sa distance learning ng mga bata ngayong may pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.