Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online Kumustahan

0 404

Mula nang isailalim sa community quarantine ang Metro Manila at maraming parte pa sa bansa, nalimitahan na ang paglabas ng mga tao. Kaya kung ikaw ‘yung tipo ng tao na very outgoing, palagay ko’y bagot na bagot ka na sa bahay.

Dahil sa global pandemic, maraming okasyon ang hindi natuloy dahil sabi nga ng tinaguriang Chinita Princess na si Kim Chiu “Bawal Lumabas”.

Kung iisipin, napakaraming nasirang mga lakad ngayong taon lalo na nitong nagdaang summer. Cancelled flights mapa-abroad man o domestic. Pati sana ang pag-flaunt ng beach body, natengga rin dahil bawal munang mag-beach. Ang iba’t ibang out of town ng pamilya’t magbabarkada, kanselado rin.

Sa totoo lang, nakalulungkot na maraming gala at pasyal ang naunsiyami dahil hindi ka makaalis ng bahay para makipagkita sa mga taong malalapit sa puso mo. Pati beso-beso at yakapan, bawal muna dahil ipinatutupad natin ang social distancing.

Nakakapanibago dahil hindi tayo sanay sa ganitong sitwasyon kahit paunti-unti nang bumabalik sa “new normal” ang lahat.

Hindi man makalabas, may mga alternative naman para maituloy pa rin ang mga naudlot na reunion kasama ang pamilya at mga kaibigan. Nagsulputan ang mga makabagong mobile application na nakatutulong para makausap natin ang mga mahal sa buhay nang hindi harapan.

Kabilang dito ang Zoom, Messenger Room, Google Meet at ang mga nakasanayang Face Time, Viber, WhatsApp at iba pa na hindi lang sa kwentuhan pwedeng gamitin kundi pati na rin sa mga online class.

Ang sa akin lang, hindi hadlang ang pandemyang ito para maputol ang ugnayan sa mga mahal sa buhay. Kahit pa nakikipaglaban tayo sa COVID-19, nariyan pa rin ang social media platforms na puwedeng maging tulay sa online kumustahan.
Tiyak ako, matatapos din ang labang ito. Kapit lang.
(with reports from Michael Arizala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.