Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online mass lang sa Pista ng Santo Niño

0 134

Walang magaganap na public mass sa halip ay mga online mass na lamang ang gagawin sa kapistahan ng Santo Niño sa Enero 16 sa Maynila at Cebu dahil sa banta ng COVID-19, ayon sa ulat ng Radio Veritas kahapon.

Pinakahuling nag-anunsiyo umano ng pagkansela ng in-person Holy Mass ang Santo Niño Parish sa Pandacan, Maynila para na rin sa kaligtasan ng mga deboto laban sa coronavirus.

Kasabay nito, humingi ng pang-unahan ang simbahan sa mga deboto kaugnay sa kanilang aksyon na kanselahin ang mga public mass.

Una nang nag-anunsiyo ang Archdiocesan Shrine of Santo Niño sa Tondo, Maynila na sarado ang simbahan sa araw ng pista bilang pagbibigay ng prayoridad sa kalusugan ng mga deboto.

Habang sa Basilica Minore del Santo Nino de Cebu ay nagdeklara na rin na wala silang public Holy Mass sa Enero 16.

Pinayuhan ang mga deboto na dumalo na lamang sa mga online Holy Mass sa araw ng kapistahan ng Santo Niño at ipagdasal na bumalik na sa normal ang panahon. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.