Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online misa mananatili na kahit walang pandemya

0 220

Patuloy pa rin na magdaraos ng mga online mass ang Simbahang Katolika kahit pa luwagan na ang quarantine restriction sa National Capital Region (NCR).

Inihayag ito ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), matapos payagan ng mga alkalde sa NCR ang hanggang 50% capacity sa mga simbahan base sa pag-aruba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

SM food to go Banner Ad

“Yang online masses na yan palagay ko hindi lang yan sa kasagsagan ng pandemic gagawin and even beyond meron na talaga tayong online masses kasi meron tayong need,” ayon kay Secillano.

Karamihan aniya ng mga dumadalo sa online mass ay mga matatanda at mga may sakit na pinapayuhan ng mga awtoridad na manatili muna sa kanilang tahanan ngayong pandemya.

Tiniyak din ni Secillano na kahit luwagan na ang mga health protocol ay ipagpapatuloy pa rin nila ang istriktong implementasyon nito sa loob ng mga simbahan katulad ng pagsusuot ng face mask at face shield gayundin ang physical distancing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. (Juliet de Loza Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.