Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online-pekeng gamot, food supplement binabala ng DOH, DTI

0 183

Binigyan ng babala ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko laban sa pagbili ng mga medisina at food supplements mula sa mga online sellers na walang estabilisimiyento at lisensiya sa gobyerno.

Ito ay matapos makararing sa kanilang tanggapan na ilang online shops na walang kaukulang permits ang nagbebenta ng antibiotics, vitamins, at supplemental medicine na naging demand ngayong COVID-19 pandemic.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sa FB (Facebook) Marketplace is medyo nandoon nagpo-proliferate ‘yung mga unregistered sellers na fly by night, na hindi mo na mahanap later on [kapag nagkaroon ng problema],” ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo sa isang online press conference.

“We communicate with the platform para tanggalin ‘yung sellers… Thankfully online platforms naman cooperate,” dagdag pa ni Castelo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.