Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online ‘sabong’ bawal pa

0 349

Pinaalalahanan ng Malacañang Palace ang publiko na hindi pa rin pinapagayagan ang publiko sa cockfighting, mapa-online o offline sa anumang uri ng quarantine classifications hanggang ngayon.

“Kinakailangang ipagbigay-alam po iyan sa IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases). Ang naalala ko po sa IATF, diniskas na po ang sabong, hindi pa po pinapayagan,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa virtual presser kahapon.

Inisyu ng opisyal ang tagubilin bilang tugon sa maraming ulat na may mga nagpapatakbo na ng e-sabong o cockfight betting sa harap ng coronavirus disease pandemic.

“Kinakailangang ipagbigay-alam po iyan sa IATF,” hirit ni Roque, na pinakiusapan din ang online cockfighting na magsumite ng position paper sa IATF.

“Ang naging posisyon po ng DILG, kung hindi ako nagkakamali, at base rin po sa minutes ay sabi nila kung walang audience at MGCQ, baka pupuwede,” panapos niya. “Pero kinakailangan muna pong aprubahan iyan ng IATF. So iyong mga proponent po ng walang audience na sabong online, sumulat po kayo sa IATF.” (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.