Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online sabong iwas COVID-19

0 219

SARI-SARING reaksyon ng mga sabungero sa tanong kung pabor ba sa kanila ang online sabong.

Marami ang nagsabi na kung sa ikaliligtas ng nakararami ay bakit sila tututol, para sa ibang sabungero ay mainam na muna ang online sabong para makaiwas sa COVID-19.

“Sana payagan na ang sabong at sabihin ng IATF kung ano ang guidelines na susundin, ‘yung zero audience ay puwede nang payagan talaga,” saad ni Frederick Valencia, backyard breeder sa Pangasinan.

Posibleng lumanding sa online ang tayaan ng gustong mag-trabisya dahil walang kristo o magta-trabisya sa loob ng sabungan.

Kapag nagkataoon, ang mga kristo ang isa sa hindi makikinabang sa pagbabalik ng sabong.

“Sana matulungan kaming mga kristo ng mga boss natin sa industriya ng sabong kasi kapag ganun muna ang galawan sa sabungan ay hindi kami kasali mga kristo sa pagsasaya,” ani Warlito Crisanto, 40 taon nang kristo sa sabungan.

Pero suportado pa rin ng ibang kristo sa panukala ng zero audience muna sa sabungan o sa derby. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.