Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online sabong sa NAIA, 8 dinakma

0 91

Walo katao ang inaaresto ng mga tauhan ng Airport Police Department (APD) matapos magsagawa ng online sabong sa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 kahapon.

Ang mga naarestong suspek ay binasahan ng tamang procedure sa kaso ng isang abugado mula sa public attorney’s office online, kung sino ang papayag sa preliminary investigation o inquest proceeding kaugnay sa kaso.

Ayon kay APD Police intelligence investigation Division Deputy Chief Jesus Ducusin, nagkaroon ng kumpulan sa parking area kung saan naabutan ng mga airport police na nagtatayaan sila sa online sabong gamit ang kani-kanilang mga cellphone.

SM food to go Banner Ad

Pito sa 8 suspek ay mga taxi driver ng yellow cab at coupon taxi sa paliparan habang tagabigay naman ng coupon ang isa sa mga naaresto.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong illegal gambling at paglabag sa social distancing at health protocols ng paliparan. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.