Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online seller hinalay anak, timbog

0 62

Arestado sa Lungsod ng Maynila ang isang 44-anyos na online seller na wanted sa panggagahasa sa sariling anak sa Mahayag, Zamboanga del Sur.

Nasa kustodiya ng Manila Police District (MPD)-Special Operation Unit ang suspek na si alyas Toto, tubong Mahayag, Zamboanga del Sur, at nanunuluyan sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay P/Maj. Cicero Pura ng MPD, walang inirekomendang piyansa si Hon. Jaime Caberte ng Zamboanga del Sur court para sa kalayaan ng suspek na nahaharap sa kasong Incestuous Rape.

Si Toto ay tumakas at nagtago sa Maynila matapos ang ginawang panghahalay sa mismo niyang anak noong 2017.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaresto ang suspek alas-4:20 ng hapon sa Lope De Vega St. sakop ng Brgy. 330, Zone 31 sa Ikatlong Distrito ng Maynila.

Nabatid sa record ng pulisya na si Toto ay nasa most wanted sa Zamboang­a del Sur.

Nakatakdang dalhin sa Zamboanga ang suspek para harapin ang kanyang kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.