Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online Seller na-scam sa mamahaling relo

0 62

Binalaan ng National Bureau of Investigation ang mga online sellers na mag-ingat sa mga scammer na nakikisawsaw sa bigating mga sellers para makapambiktima.

Nabatid kay Supervising Agent Mark Santiago na isa sa miyembro ng nagbebenta ng mga mamahalin o high end na relo ang nagsampa ng kaso laban sa isa pang miyembro ng grupo matapos maibenta ng scammer ang yayamaning relong Omega sa Rolex watches Manila.

Sa kanyang affidavit complaint, inilahad ng biktima na noong Setyembre 2020, pinost nito ang nasabing relo na `for sale’ sa halagang P225,000.

Isa sa kanilang miyembro na gumamit ng alyas sa ibang social media account ang nag-alok na bibilhin ang nasabing yayamaning relo kung saan idinaan pa sa group chat ang transaksyon. Nandamay pa ng ibang pangalan ang scammer ng kunwaring kaanak ng seller, gamit ang pekeng account.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa nagrereklamo, pinalitaw ng pekeng mamimili na ang pagbabayad ay nagawa sa pekeng account ng kamag-anak.

Pinick-up pa ang relo na kunwaring rider ng isang kilalang courier company.

“Nagkalat ang scammers using technology, hindi lang buyers ang mag-ingat, pati rin sellers,” babala ni Santiago. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.