Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online seller nabundol sa kaka-cellphone

0 106

Nasaktan ang kaliwang paa ng isang babaeng rider matapos mabangga ang hulihang bahagi ng kanyang motorsiklo ng babaeng driver ng SUV kamakalawa sa may Felix Huertas St. cor Tayuman St., Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay PSMS Jay Santos, imbestigador ng Manila District Traffic Enforcement Unit, nakilala ang biktimang si Zephanie Garbin y Pangilinan, 23, online seller, ng Caloocan.

Agad namang itinakbo sa Philippine Orthopedic Hospital ang biktima ng driver ng Isuzu Alterra SUV may plakang WHO 478 na si Shaylla Marie Paula Manalo y Arce, 25, Medical Technologist, at taga-Avida Towers, Sta Cruz, Maynila.

Naganap ang insidente alas-4:30 ng hapon habang kapwa binabagtas ng dalawa ang South bound ng Felix Huertas.

Dahil red light ay huminto ang biktima na sakay ng kanyang Yamaha Mio at tiningnan ang kanyang cellphone. Di nito napansing nag-go na kaya na delay ang pagpapaandar dahilan para mahagip ng SUV. (Juliet de Loza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.