Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online seller pinadampot ng Lalamove rider

0 108

Ipinadampot ng isang Lalamove rider ang isang 29-anyos na online seller matapos na tumangging ibalik ang perang ipinambayad ng nauna nang walang lehitimong receiver sa produktong kanyang idineliber sa Bacoor City, Cavite, Hu­webes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Darren Earl Bajan ng Barangay San Nicolas 3, Bacoor City dahil sa reklamo ng rider na si Robert Insular, 40-anyos.

Sa reklamo ni Insular kay P/Cpl. Ronald Abalos ng Bacoor City Police, nagpa-book sa biktima ang suspek ng pitong pirasong Pure Honey Bee bottle na nagkakahalaga ng P4,000, at sinabi­han ng seller na bayaran muna ng rider ang na­sabing halaga dahil cash on delivery ang nasabing transaksiyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binayaran ng biktima ang nasabing halaga at idineliber ito sa Makati City subalit lumalabas na walang lehitimong receiver at peke rin ang nasabing address.

Kaya naman bina­likan ni Insular si Bajan sa bahay ng huli dakong alas-12:40 kamakalawa ng tanghali at pinaba­balik ang nasabing halagang kanyang binayaran subalit tumanggi ang suspek dahilan upang humingi ng tulong ang biktima sa barangay na nagresulta sa pagka­kaaresto ng seller.

Kasong Swindling (Estafa) ang kinahaharap ngayon ni Bajan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.