Abante Tonite Interactive

Online Semana Santa

554
TONITE---online semana santa

Isang linggo na lang, gugunitain na ng Simbahang Katolika ang ‘Holy Week’, ang itinuturing na culminating part ng Lenten season o Kuwaresma.

Sa kaparehong panahon noong mga nagdaang taon, abala na ang mga deboto sa paghahanda para sa mga tradisyon at kaugalian tuwing Semana Santa.

Hindi siyempre mawawala ang pabasa kung saan pakantang dinadasal ang kalbaryo at mga pinagdaanang sakripisyo ni HesuKristo para matubos ang sanlibutan sa kasalanan.

Sikat ang Barangay Cutud sa San Fernando, Pampanga sa taunang pagpapapako sa krus. Kahit hindi kinikilala ng simbahan, dinarayo pa rin ito ng mga deboto at mga turista.

Ang mga nakagawiang ito, wala muna ngayong taon. Dahil sa banta ng COVID-19, bawal ang mass gathering. Sa kabila nito, tuloy ang paggunita sa Semana Santa. ‘Yun nga lang, may restrictions.

Kung dati, bumibisita tayo sa iba’t ibang simbahan para sa nakaugaliang Visita Iglesia. Ngayon, puwede pa rin naman nating gawin ito via online.

Pati pakikiisa sa mga misa, online na rin muna. Para maging taimtim ang pagdarasal, payo ng mga taong simbahan – mag-set up ng mini altar sa bahay. Lagyan ng krus at nakasinding kandila ang isang lamesita. Sa ganitong paraan, mas solemn ang inyong pagdarasal.

Hinihimok din ng simbahan ang mga deboto na mag-ayuno. Anumang matitipid sa fasting, puwede raw i-donate sa mga kababayan nating mas higit nangangailangan ng tulong lalo na ngayong naka-lockdown ang Luzon.

Ang sa akin lang, ngayon natin mas kailangan ang panalangin. Huwag makalimot sa mga tradisyon tuwing Semana Santa. Hindi puwedeng idahilan ang banta ng COVID-19 para kumawala sa mga nakaugaliang aktibidad.

Tonite – Wendys Inhouse Ad