Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online shopping diskuwento ng senior, PWD malapit na

0 98

Magandang balita para sa mga senior citizen at person with disability (PWD) ang pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na binubuo na ang mga panuntunan para bigyan sila ng diskuwento sa online shopping.

Kinumpirma ito ni DSWD Director Wilma Naviamos sa pagharap nito sa virtual hearing ng House committee on senior citizens.

Ayon kay Naviamos, ngayong buwan ng Hulyo target nilang tapusin ang final draft at oras na matapos ito ay magkakaroon ng isang joint memorandum circular ang DSWD, Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensiya para sa pagpapatupad ng diskuwento.

Nakasaad sa batas ang pribilehiyo ng mga senior citizen at PWD na 20% diskuwento para sa mga bilihin at serbisyo. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.