Abante Tonite Interactive

Online shopping pero ‘di butas-bulsa?

519

Ni Rona Ronda

Maraming kababaihan ang nahuhumaling sa pamimili ng damit through online website. Mas convenient kasi at hassle-free ang mamili rito na ide-deliver pa to your doorstep.

Subalit, hindi ­lahat ng online shopping ay abot-­kaya. May ibang mga shopping website na trendy nga pero bongga naman kung maka-butas ng bulsa.

But, don’t worry! May mga ilang clothing websites na super affordable ang mga damit. Bukod pa sa mura, trendy at sty­lish, ang ilan pa sa kanila ay eco-friendly.

Ilan sa mga website na ‘yan ang Poshmark na nag-o-offer ng napakaraming discounts. Gayundin ang Depop, na mayroong sariling resale app na kung saan puwedeng i-upload ng mga users ang kanilang preloved items.