Abante Tonite Interactive

Onyok, priority ang studies

By
Onyok
18

KAHIT may mga nang-iintriga sa nanay ni ­Onyok Pineda na si Mary Ann at sinasabing siya ang dahilan kaya ­nawala sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ang child actor, pinaninindigan pa rin niya na hindi siya ang dahilan kaya tumigil na sa nabanggit na show si Onyok.

Sabi ni Mary Ann, nag-regular schooling na ang kanyang anak at ­priority ng bata ang pag-aaral, kaya kinaila­ngan na itong huminto sa ­nasabing series.

Intriga lang daw ‘yung sinasabing nagmamahadera siya, kaya tinanggal na lang sa FPJ’s Ang Probinsyano ang kanyang anak.

Sabi pa ni Mary Ann, kahit si Coco Martin ay sinasabing ang pagre-regular schooling ni Onyok ang dahilan ng pagkawala ng child actor sa kanilang series.

Ang maganda, naba­yaran na ang bahay at sasakyan nila dahil sa mga kinita ni Onyok sa FPJ’s Ang Probinsyano at ilang product endorsements.

May trust fund din para sa bata.

May proyekto pa si Onyok katulad ng Metro Manila Film Festival entry ni Coco na ang Ang Panday.