Abante Tonite Interactive

‘Oo, nagpapatingin ako sa Psychiatrist!’ — Claudine

By
6,160

MATAGAL nang usap-usapan, akusasyon ang pagiging bipolar daw ni Claudine Barretto. Bulung-bulungan sa showbiz na kesyo madaling magbago ang takbo ng isip ni Claudine, na sa loob lang ng ilang minuto, nag-iiba ang mood niya.

At kahapon nga, buong ningning na inamin ni Claudine na oo, nagpapakonsulta siya sa psychiatrist.

Abante Hiring – IT dep

“Yes I do see a Psychiatrist! I’m Proud to have my Doctor/Mentor/sister as my Doctor. Thank u Doc Babes I luv & look forward talking & seeing & bonding with u. Through my ups & Downs your words of wisdom, compassion & luv keeps me going.

“I’m PROUD to be your Patient,” sabi ni Claudine.

Maraming nagkomento sa photos at post na ‘yon ni Claudine. May mga natuwa na hindi niya ikinahiya ang pagiging pasyente niya. At dito nga nagpag-usapan ang isyu na noon pa ay ibinabato na kesyo may sakit sa utak si Claudine, o baliw siya sa madaling salita.

“5 or 6 years ago I had an interview & told Tito Ricky Lo who is a very respected writer that I’ve been seeing a psychiatrist ever since I was diagnosed with Anxiety/Panic disorder when Rico Died.

“Sadly though because of my honesty some people used my seeing a doctor as BALIW/MENTALLY ILL but I’m glad people are more open na po,” saad pa ni Claudine.

Nag-agree naman ang followers ni Claudine, na hindi porke nakikipagkita, o pasyente ka ng isang psychiatrist ay baliw ka na. Natuwa nga sila kay Claudine, na oo nga naman, kung ikaw ay may nararamdamang kakaiba, walang masama kung makipagkita ka, magpagamot sa mga propesyunal.