Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OOTD ngayong tag-ulan

0 107

Ang bilis naman ng panahon. Ni hindi ko man lang na-enjoy ang summer. Sa isang iglap, tag-ulan na!

Dahil bago na ang academic calendar sa maraming eskuwelahan, natatapat na may klase pa tuwing tag-init at sakto namang tag-ulan na kapag nagbakasyon sa mga paaralan.

Kaya para sa marami lalo na sa mga estudyanteng gusto pa sanang ibida ang kani-kanilang OOTD sa summer, worry no more.

Puwede pa rin namang i-flaunt ang inyong getup – this time, pang-rainy season na.

Sa totoo lang, walang pinipi­ling panahon ang pagiging trendy at fashionable. Kahit tag-ulan na, puwede ka pa ring rumampa suot ang mga paborito mong damit ngayong tag-lamig.

‘Di mo na ma-predict ang panahon ngayon. Lalabas ka ng bahay nang maaraw, uuwi ka naman ng umuulan. Kaya para ‘I am ready’, magbaon ng jacket na may hood. OK na panangga ito sa ulan kung nalimutan mong magbaon ng paying.

Dahil marami na rin ang nagbalik-opisina mula nang ibaba sa Alert Level 1 ang malaking bahagi ng bansa, malamang na nangangatog na naman tayo sa lamig ng aircon sa loob ng opisina.

Related Posts

Kaya baka tagos ang lamig sa suot mong blazer. Trendy kung may dala kang silk shawl na puwede mong ibalabal habang nasa corporate office.

Patok pa rin ang neutral-colored sweater na puwede mo namang ipares kahit sa jeans lang. Kung wala kang sweater, puwede ring vest ang alternative OOTD (outfit of the day) mo. Ipatong ang vest sa long sleeves. Ibagay ang co­lor combination sa skin complexion para maganda sa paningin.

OK din ang sweatshirt na may hood para sa mga ­lalaki. Kung dark-colored, maganda itong iterno sa light-colored o faded na pantalon.

Unisex na rin ang pagsusuot ng mga cardigan – ito ‘yung knitted garment na karaniwang bukas at walang butones. Fashionable din itong isuot ngayong tag-ulan.

Sa mga bata naman, mainam kung laging may baong kapote. Tiyak akong matutuwa sila sa iba’t ibang kulay at disenyo ng mga ito. Karamihan, cartoon characters ang design na ­talaga namang kagigiliwan ng mga chikiting.

Kung hindi maiiwasang lumusong sa baha, huwag kalimutang magsuot ng rain boots. Makukulay ang mga bota na mabibili ngayon sa mga mall at bangketa. Panlaban mo rin ito sa banta ng leptospirosis.

Ang sa akin lang, hindi puwedeng trendy lang – dapat lagi ring isaalang-alang ang health at safety sa OOTD lalo’t may banta pa rin ng Covid-19 pandemic. Kaya ugaliin pa ring sumunod sa protocols na ipinatutupad ng gobyerno, kasama na ang pagsusuot ng face mask.

Leave A Reply

Your email address will not be published.