Abante Tonite Interactive

OOTD: Plastic, ginawang blouse

By
271

Agaw-eksena ang isang Pinay dahil sa kakaiba nitong style. Instant sikat ngayon ang ‘fashionistang’ si Angelie Janelle Orleans nang rumampa ito habang suot ang isang plastic bag na personal niyang ‘dinisenyo’ kung saan ipinost naman ito ng kaibigan niyang si Jerwyn Buenaventura.

Nag-viral ang nasabing post ni Jerwyn dahil sa takaw-pansin na caption na:
“Who are you wearing today?

Angelie Janelle Orleans: Henry Sy”

Abante Hiring – IT dep

Sa larawan ay makikita na ang suot na blouse ni Angelie ay ang grocery bag ng SM Hypermarket na matapos nitong guntingin sa ibabang bahagi ay nag-‘fit’ na sa kanyang katawan.

Marami pa ang na-impress sa pagiging ‘fashionista’ nito nang ternohan niya ng red na track pants at sunglasses ang neon green SM plastic bag ‘blouse’ na ang designer ay wala nang iba pa kundi ang may-ari ng SM malls na si Henry Sy!

Nagamit ni Angelie ang kanyang pagiging ‘stylish’ dahil sa ayaw nitong mabasa noon ang suot niyang damit habang namamasyal sila sa Hong Kong kung saan sasakay sila sa ‘The Rapids’ sa Ocean Park.

‘Silly’ man ang pagsusuot niya ng plastic ay kineri pa rin ng dalaga para na rin makatipid ng 40HKD o katumbas na P270.85 kung bibili pa ito ng kapote na proteksyon sana nito para ‘di ­mabasa.