Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OP, Kongreso, DND pinakamagastos sa intel fund

0 68

Lumabas sa taunang financial report ng Commission on Audit (COA) na ang Office of the President (OP), Congress at Department of National Defense (DND) ang top spender ng confidential at intelligence fund noong 2019.

Kabuuang P13.465 bilyong halaga ng gastos na inilarawan bilang “confidential, intelligence, extraordinary and miscellaneous” ang nai-record noong 2019.

Sa report, nakagastos ang Kongreso ng P3.98 bilyon, sumunod ang Defense Department na P3.087 bilyon, at opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte na P2.41 bilyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kabuuang halaga para sa Kongreso, P3.57 bilyon ay napunta sa Kamara.

Nasa P2.54 bilyon naman sa P3.087 bilyon ng DND intelligence fund ay napunta sa Armed Forces of the Philippines General Headquarters.

Ayon kay Duterte, saklaw ng intelligence funds ang mga programa at proyekto na nauugnay sa pambansang seguridad at mga bagay na nauugnay dito ay itinuring na confidential o classified information. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.