Abante Tonite Interactive

Open letter to Mayor Isko Moreno

782

Dear Mayor Isko,
Congrats Yorme! PETmalu ang mga daily updates niyo sa Facebook! Pero, marami pang dapat gawin bago niyo mapaganda muli ang Kamaynilaan.

Ang open letter na ito ay isang apila — Habang inaayos ninyo ang siyudad, ‘wag niyo pong kalimutan ang mga hayop!

In fairness, sa inyong ika-apat na araw bilang Mayor, bumisita kayo sa Manila Zoo. May dala pa kayong botcha para sa mga tigre. Umakyat pa kayo sa railing para pakainin si Mali, the elephant. Tapos nu’ng June 28, sumugod kayo sa Vitas Dog Pound para makiusap na ‘wag munang i-euthanize ang mga 50 na aso on death row.

Maganda po ‘yan. Ngunit may mga nagsasabi na baka ‘press release’ lang ‘yan. Sana po totoo ang pagmamalasakit niyo sa mga hayop. Since open po kayo sa suggestions, here are some:

Stray dogs and cats – Imbis na mag-euthanize, subukan po natin ang Trap, Kapon and Release. Ito ang ginawa ng Holland kaya naging 100% stray-free sila. Nasa Internet po ang step-by-step planning nila.

Promote adoption via star power – Since artista po kayo, sana magbigayan niyo ng Facebook moment ang mga homeless dogs and cats. Nakita ko din ‘yung post na pinapasalamatan niyo sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil nag-donate sila ng dog cages. Maaari rin natin gamitin ang ‘star power’ nila para i-promote ang pag-aadopt.

Manila Zoo – Marami tayong good memories sa Manila Zoo, ‘di ba?!! Sana maibalik ito sa dating katanyagan, once it reopens. Sinabi niyo po na, “since ito ay ang ‘Manila Botanical and Zoological Park’ dapat may focus din sa mga plants.” Tama po ito. Ang Talarak Foundation ng Negros Occidental ay isang matagumpay na forest conservation para sa mga endemic species ng Pilipinas. Maaari tayong kumunsulta sa kanila tungkol sa botanical plants.

Mali, the elephant – May mga nagsasabing dapat ipadala si Mali sa ibang bansa kung saan siya mas mapangangalagaan. Ngunit para sa akin, mas mabuting palakihin ang kanyang enclosure at gawing mas ‘elephant-friendly’. Maaari tayong makipag-ugnayan sa Thailand dahil sila ay dalubhasa sa mga elepante.

Arroceros Forest and Parks – Sabi niyo po na may planong buhayin ang mga parks at Arroceros Forest, the last living lung of Manila. I fully support this dahil ang mga lugar na ito ay tahanan ng mga ibon at binibista ng mga migratory birds.

Remember, dear Mayor, “The greatness of a nation can be judged by the way its animals are treated.”

Ang inyong nagmamahal na PUParazzi,
Joyce
Email: UsapangPetmaluAtbp@yahoo.com
Facebook: Joyce Ann Burton Titular
Instagram: Joyce Ann Burton