Abante Tonite Interactive

Operasyon ng Angkas hinirit na ibalik

141

Hiniling sa Supreme Court (SC) ng motorcycle ride-hailing firm Angkas na irekonsidera ang ipinalabas na temporary restraining order (TRO) at payagan na maipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Sa inihain na komento sa SC ng DBDOYC Inc., mother firm ng Angkas, iginiit nila na alisin ang TRO na inisyu ng 2nd division noong Disyembre 5.

Nabatid na nagpalabas ng TRO ang SC matapos na hilingin ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Una nang pinahinto ng LTFRB ang operasyon ng Angkas noong nakalipas na Nobyembre 2017 dahil sa kawalan ng kinakailangang prangkisa ng operator na dapat na manggaling sa Kongreso para makapag-operate ng public utility vehicle (PUV) sa ilalim ng Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

Gayunman, nagpasaklolo sa Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) ang kompanya dahilan para magpalabas ng writ of preliminary injunction na pumigil sa LTFRB para hulihin ang Angkas riders. (Juliet de Loza-Cudia)