Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Operasyon ng LRT-2 binawasan uli

0 261

Nagpatupad muli ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng degraded operation ngayong weekend.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ito’y bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa nalalapit nang pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project sa Hunyo.

Sa ilalim ng degraded operation, ang biyahe ng mga tren ay mula Araneta Center-Cubao Station sa Quezon City hanggang Recto Station sa Maynila lamang.

Layunin nitong bigyang-daan ang pagsasagawa ng integration test ng signaling system ng LRT-2 East Extension, na kinabibilangan ng Marikina at Antipolo Stations, sa kasalukuyang linya ng LRT-2 na mula Santolan, Pasig City hanggang Recto.

Dahil dito, nagpatupad din ang LRT-2 ng temporary operations schedule nitong Sabado, Mayo 29, at ngayong Linggo, Mayo 30. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.