Abante Tonite Interactive

Operasyon ng MRT-3 balik na sa normal

0 176

Matapos ang halos labindalawang oras, balik na sa normal ang operasyon ng buong linya ng MRT-3, mula Taft Avenue hanggang North Avenue Station sa Quezon City.

Bandang alas-5:27 nang hapon (Setyembre 6), may 13 operational o gumaganang tren habang may 13 running train o tren na nakasalang sa mainline.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, dakong alas-4:35 nang hapon nang muling maikonekta at maibalik ang kableng naputol sa Guadalupe Station.

Pasado alas-sais nang umaga nang ipatigil ang operasyon ng buong linya ng tren matapos maputol ang kable sa Guadalupe Station na nakaapekto sa suplay ng kuryente mula Shaw Boulevard hanggang Santolan Station

Dakong alas-9:45 naman nang umaga nang ibalik ang ‘partial operation’ ng tren mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard.

Aabot sa libo-libong pasahero ang neperwisyo bunsod ng aberya. Inimbestigahan ng MRT-3 ang sanhi ng insidente. (Dolly Cabreza)