Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Operasyon ng Pasig river ferry sinuspinde

0 78

SINUSPINDE ng Pasig River Ferry Service ang kanilang operasyon dahil na rin sa bagyong “Pepito”, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA, ang ferry operations ay tinigil kasunod na rin ng pag-akyat ng PAGASA ng Storm Signal Number 1 sa Metro Manila.

Namataan ang Bagyong Pepito ng 375 kilometero Silangan ng Infanta, Quezon, na may hanging na aabot ng 55 kph malapit sa gitna at pagbugso na papalo sa 70 kph.

Tinatahak ni Pepito ang direksyon ng hilaga kanluran 25 kph at inaasahang magdadala ng malakas na ulan sa Bicol Region, Marinduque, Romblon, Quezon, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, Pangasinan, at sa Benguet.

Nakataas ang signal number 1 bukod sa Metro Manila sa Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija , Tarlac, Zambales, Bulacan, Pampanga, Bataan, Rizal, at natitirang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kasama ang Polillo Islands, kabilang ang extreme northern portion ng Camarines Norte (Vinzons), at Catanduanes.

Ang Pasig River Ferry Service ay nagsimula pa lang Biyernes nang maalis ang water hyacinths. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.