Abante Tonite Interactive

Operasyon ni Liza ginastusan ng ABS-CBN

661

Sobrang thankful ni Liza Soberano sa boyfriend na si Enrique Gil. Mahigit isang buwan siya nitong sinamahan sa US habang nagpapagamot ng kanyang finger injury.

Naunang umalis si Liza patungong US at sumunod na lang si Quen the following month. Ayon sa aktres, isinakripisyo raw lahat ng aktor ang trabaho nito sa Pilipinas para lang samahan siya.

“Dapat may mga trabaho siya, pero I think, kinausap niya ‘yung handler niya, nakiusap siya kung puwedeng ma-move ‘yung mga work niya,” pahayag ni Liza sa panayam niya with manager, Ogie Diaz na inilabas ng huli sa kanyang YouTube vlog last Monday.

“Sobrang grateful ako kasi it gets really lonely being kung wala kang kasama na ‘yung kasama mo rin dito sa Philippines,” dagdag pa niya.
Kaya nga sobrang happy rin daw siya nang dumating si Ogie sa US that time kasama naman ang buong pamilya nito.

Dalawa lang kasi sila ng kanyang tita na si Joni Lyn Castilo sa US at naho-homesick na raw talaga sila. Kaya nang dumating daw si Quen kasama ang sister ng aktor na si Andie ay sobrang natuwa siya.

“So, at least, may mga kalaro na ako (sa) video games, board games,” sey pa ni Liza.

Masaya rin ang aktres na successful ang dalawang finger surgeries niya sa US na kasalukuyan nang nasa recovery period, though kailangan pa rin daw ng therapy dito sa ‘Pinas.

“No more pain, I mean, hindi lang siya parang dati pero it’s better than not having a finger at all,” she said.

Three months pa raw bago mag-heal ang kanyang bone pero ‘yung completion of the bone healing daw talaga is about one year.

Super-thankful din si Liza sa ABS-CBN dahil ang network ang sumagot ng lahat ng gastos sa US hanggang sa operasyon at wala raw siyang ginastos kahit piso.
“Talagang ABS did everything, of course, I really felt the love from them kasi, they wanted to make sure that my finger would go back to normal or at least, the best that can possibly be, so, I’m really thankful na nandu’n sila to help me and grateful ako kasi, I mean, hindi rin biro ‘yung expenses sa States. I mean, ‘yung hospital bills ko, hindi talaga biro.

“And that means they really love me because they took care of me,” pahayag pa ng aktres.
***
Jon sumabak sa pinakamahirap na training

Ibinahagi ng bagong Kapuso actor na si Jon Lucas ang kanyang army training experience kasama sina Dingdong Dantes at iba pang cast ng Pinoy adaptation ng hit Korean drama na “Descendants of the Sun”.

Si Jon ang gaganap na isa sa mga sundalo sa nasabing serye. Siya si Harry Potter ng Team Alpha led by Big Boss na ginagampanan naman ni Dingdong.

Ayon kay Jon sa kanyang Instagram post, dalawang araw lang ang training pero parang 2 weeks daw ito sa sobrang dami ng kanilang ginawa at ito na raw yata ang pinakamahirap na trai-ning na nagawa niya sa buong buhay niya.

“Trained with the AFP’s best company. The SPECIAL FORCES! Sa loob ng dalawang araw, OPO 2 days lang, pero parang 2 weeks bugbog yung isip at katawan mo sa exercises/activities at sa pag-iisip kung paano mo gagawin yung susunod na mga challenges… Sabi ko nga. Ito na ang pinakamahirap (sa ngayon) na nagawa kong training sa buong buhay ko, buti nalang at andon ang mga classmates namin na nagpapalakas ng loob namin sa tuwing nakikita kaming nahihirapan na. Kaya Salamat Sainyo!!” ang bahagi ng post ni Jon.

Binigyang-pugay din ni Jon ang ating mga sundalo na aniya ay handang isakripisyo ang buhay para sa bayan.(Vinia Vivar)