Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Operasyon pinarendahan kay Duterte: Mga OFW lulong sa online sabong

0 290

Hiniling ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa na rendahan ng gobyerno ang ope­rasyon ng online sabong dahil maraming Pinoy ang lulong sa nabanggit na sugal.

Sa ‘Talk to the People’ ni Pangu­long Rodrigo Duterte, ipinaabot ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mensahe ng mga Pilipinong nasa Spain na kung maaari ay limitahan ang online sabong operations dahil marami umano ang nauubos ang pera sa nabanggit na sugal.

Si Lorenzana ay galing sa Spain at Poland at ilang Filipino community ang nakausap niya at nagpaabot ng mensahe sa Presidente.

“May nagsabi po Mr. President, na kung puwede iyon daw online sabong ay limitahan lang ‘yung panahon dahil marami pong nalululong na mga overseas na mga Filipinos sa online sabong,” ani Lorenzana.

Hindi lamang mga Pilipinong nakabase sa iba’t ibang bansa ang nagrereklamo sa online sabong kundi pati ang asawa ng mga overseas Filipino worker na nasa ibang bansa, kasama ang pamilya ng mga seaman dahil nauubos ang sahod at minsan ay sumasala sa pagpapadala sa pamilya. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.