Abante Tonite Interactive

Opis ng politiko mala-sardinas

427

Mistulang nasa lata ng sardinas ang opisina ng isang mambabatas dahil sa dami ng tuma­tambay palagi dito.

Bukod kasi sa mga bisita, sangkaterba din ang alalay ng mambabatas.

Bawat sulok ng kuwarto ng mambabatas, may nakaupong empleyado, iba ay parang nagiging palamuti na lamang dahil sa wala naman masyadong ginagawa.

Sa reception area, tambak din ang mga bisita ng mambabatas at dagdag pa rito ang mga nakaistambay na alalay na kinabibilangan ng mga bodyguard o hawiboys at mga asungot.

Lumuluwag lang umano ang opisina kapag wala ang mam­babatas, lalo na nga­yong nakabakasyon ang dalawang kapulu­ngan ng Kongreso.

Clue: Ang mambabatas na mala-sardinas ang opisina dahil sa dami ng tao ay lapitin ng mga gipit at may let­rang M sa pangalan as in Money.