Abante Tonite Interactive

Opisina ng politiko inokray sa kabaduyan

475

Ipina-renovate daw ng isang mambabatas ang kanyang kuwarto dahil napapangitan siya sa disenyo nito.

Babae daw kasi ang dating nag-oopisina dito kaya’t hindi swak ang porma ng opisina sa lalaking mambabatas.

Kung hindi babaklasin ng lalaking mambabatas, baka maghinala ang iba na miyembro siya ng pe­derasyon.

Ikinadismaya naman daw ng politiko ang renobasyon ng dati niyang opisina.
Akala pa naman niya ay magugustuhan ito ng mababatas pero nagkamali siya ng sapantaha matapos ipabakbak ang baduy umano niyang opisina.

Clue. Ang politiko na nadismaya sa masamang impresyon ng mambabatas sa dati niyang opisina ay nagtatrabaho ngayon sa Quezon City at may letrang L sa kanyang pangalan.