Abante Tonite Interactive

Opisyal balat-sibuyas

377

Usap-usapan ang isang opisyal ng Malacañang dahil sa tila pagi­ging balat-sibuyas nito kapag napupuna sa kanyang ginagawa.

Hindi naman nababanatan itong opisyal kundi pinupuna lang pero kung makapag-react ay talagang kinokompronta ang mga pumapansin sa kanya na may kinalaman sa kanyang trabaho.

Para bang walang karapatan ang publiko na punahin ito at sa halip ay makiayon na lang sa mga ginagawa at sinasabi nito.

Kapag kausap itong si opisyal at sumingit habang nagsasalita siya ay sasawayin ka pa at sabihing hintaying matapos ito sa kanyang gustong sabihin.

Gaya na lamang ng ginawa niya sa dalawan­g kumausap sa kanya na hindi pa man makapagsimulang magtanong ay agad kinompronta kung bakit siya binabanatan.

Itong opisyal na ito ay mahilig din magpalusot at parang pinalilitaw na hindi siya naintindihan sa kanyang mga paliwanag.

Clue: Ang bansag kay sir ay ‘Boy Salakab’ at malimit pagtripan ni Presidente sa kanyang mga talumpati. (Aileen Taliping)