Abante Tonite Interactive

Opisyal choosy sa pagkain

958

Grabe naman itong isang opisyal ng gobyerno na tila nandiri sa ibinigay sa kanyang lunch sa isang pagdinig sa Senado.

Ayon sa source ng Tonite, binigyan ng ­waiter ang top government official ng plato para sa kanilang pa­nanghalian su­balit pagkalapag sa harap nito, ti­nulak niya sa katabi nitong kapwa opisyal.

Hindi raw kasi type ng opisyal ang pagkain sa kanyang plate, sabay takip ng ilong nito dahil hindi nagustuhan ang amoy ng pagkain. Aba’y gusto yata ng opis­yal na steak ang ihain sa kanya sa hearing.

Nang tanggihan ng katabing opisyal ang ibinigay na pagkain, tinawag ng maarteng opisyal ang waiter at sinabing ibigay na lang sa iba ang pagkain at bigyan na lang daw siya ng hot coffee.

Clue: Ang top official na ito ng gobyerno ay mula sa mayamang angkan sa southern part ng Pilipinas at may let­rang M sa kanyang apel­yido as in ‘Maarte’.