Abante Tonite Interactive

Opisyal mantel ng mesa ang porma

767

Agaw-pansin sa isang shopping mall ang matandang opisyal ng gobyerno. Eh paano ba naman kasi, masakit sa mata ang kanyang kasuotan.

Kahit nasa loob ng mall, naka-shades pa rin ito na para bang namamasyal lang sa beach.

Pero ang pinakamatindi rito, ang suot niyang pulang checkered sports coat na parang kapareho ng mantel ng mesa.

Kaya nang pumasok siya sa restawran, nagmistula siyang bakanteng mesa dahil sa kanyang kasuotan.

Kilala ang opisyal sa pagiging baduy manamit kaya pinagpipiyestahan siya sa social media.

Clue: Ang opisyal na parang mantel ng mesa kung manamit ay minsan nang sumakay sa tricycle at may letrang P sa kanyang pangalan as in papansin.