Abante Tonite Interactive

Opisyal natulog sa SONA

625

Kung natulog sana siya sa sofa, walang pupuna sa isang opisyal ng gobyerno.

Ang ginawa kasi ng opisyal, natulog siya sa SONA o State of the Nation Address ni Pa­ngulong Duterte kamakalawa.

Nakaupo sa gallery ang opisyal at hindi kinaya ang higit isang oras na talumpati ng Pangulo matapos itong makaidlip sa upuan.

Nagising na lamang siya sa palakpakan ng audience na kinabibilangan ng mga mambabatas, mga opisyal ng gobyerno at mga ordinaryong mamamayan.

Bawal kasing gumalaw o kahit magpa-order ng kape habang nagta­talumpati ang Pangulo kaya’t dinaan na lamang ng opisyal sa power nap ang pagkaantok.
Clue. Ang opisyal na natulog sa SONA ay madalas na mangibang bansa. May letrang T sa kanyang pangalan as in Tulog.