Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Opisyal ng barangay inambus

0 65

Todas ang isang dating pulis at ngayon ay opisyal na ng barangay nang tambangan ng anim na ‘di kilalang salarin na magkakaangkas sa tatlong motorsiklo sa Brgy. Old Balara, Quezon City, Sabado ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, PBGen Danilo Macerin ang biktimang si Rodolfo Aspril, 60, dating pulis at nagsisilbi ngayong Brgy. Ex-O ng Brgy. Old Balara at taga-Brgy Payatas, QC.

Sa report ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, alas-6:45 ng gabi (January 2) nang ambusin ang biktima sa Commonwealth Avenue, southbound, sa Brgy. Old Balara.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa salaysay ng testigong si Lea Ross, 42, kasama niya ang biktima sakay ng asul na Honda Click 125 at pauwi na nang harangin ng anim na suspek na pawang naka-face masks.

Sa takot ay agad nagtatakbo si Ross habang pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ikinasawi nito.

Inaalam pa kung may kinalaman sa dating trabaho o sa pagiging Ex-O ang motibo sa pamamaslang. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.