Abante Tonite Interactive

Opisyal ng DOJ sawsaw sa politika sa Daraga

By
220

May isa umanong opisyal ng Department of Justice (DOJ) na kamag-anak ng isang kumakandidatong opisyales sa Albay ang umano’y nang-iimpluwensiya sa kaso ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo na ngayon ay inaakusahang utak sa pagkamatay ni dating Ako Bikol Congressman Rodel Batocabe.

Nabatid sa isang DOJ ­insider na kamag-anak umano ng ­tumatakbong alkalde sa Daraga ang nambabrasong Justice official upang implu­wensiyahan ang kaso.

Bukod sa naturang opisyal, nakikialam din diumano ang regional prosecutor ng Bicol region at nais ding impluwensiyahan ang resolus­yon ng kaso at madikdik ang pangunahing isinasangkot sa krimen.

Abante Hiring – IT dep

Una nang idinidiin si Baldo sa kaso ng pagpatay kay Batocabe upang mahirapan itong mangampanya para sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng Daraga.

Si Baldo ay nakalaya kasunod ng order ng husgado na nagbigay ng pagkakataon sa kanya upang makapagpiyansa habang patuloy ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Batocabe.

Malaki ang potensyal ng Daraga kung saan itatayo ang bagong Bicol International airport na nagkakaha­laga ng P4.8 bilyon.