Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Opisyal ng GAP nagbitiw

0 157

SURPRESANG nagbitiw si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) secretary general Bettina Pou Biyernes ng hapon sa gitna ng mga napapaulat na hakbangin ng ilang grupo kontra sa National Sports Association (NSA).

Walang sinabing dahilan si Pou sa kanyang biglaang pagbibitiw matapos ang matagal na pagsisilbi sa asosasyon na pinamumunuan ni Cynthia Carrion.

“It is with a heavy heart that am informing you that I will be retiring from the NSA effective August 20, 2020. This serves as my letter of resignation,” sabi ni Pou sa ibinigay na sulat sa GAP.

“It has been my pleasure to have been able to work with you for the past 10 years as your treasurer and Secretary General. We have been also able to bring GAP from zero when we started late 2009 to having an Olympian in our midst.” (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.