Abante Tonite Interactive

Opisyal ng gobyerno, nagkuripot sa pagkain

By
184

Hindi raw alam ng mga kaibigan nating nagsilbing bisita ng isang opis­yal ng gobyerno kung matatawa o maiinis sa ipinakitang lantarang kakuriputan ng ating bida sa pagpapakain sa kanila.

Ang kuwento, nang bago sa panunungkulan si Mr. Official, sa katuwaan nito ay inimbitahan nito ang ilang mga malalapit na kaibigan para sa isang lunch bilang blowout.

Dahil nga bongga ang kanyang posisyon na pinakamataas sa ahensyang pinaglilingkuran, inasahan din ng kanyang mga bisita ang ‘sumptous meal.’

Subalit, nagulat anya ang lahat nang ang bumungad sa kanilang pagkain ay ang tinatawag na ‘probinsya meal’ o simpleng putahe na karaniwang inihahain sa probinsya.

Sa isang banda, may natuwa dahil ipinakita raw ng opisyal ang kanyang pagiging simpleng tao pero sa isang banda, may nagkomento na tila hindi isinaalang-alang ng naghanda na hindi naman lahat ng bisita ay kumakain ng pamprobinsya meal.

Hindi rin daw kasi nababagay sa bagong posisyon ng opisyal ang mga inihandang pagkain sa mga bisita.
Clue: Ang ating bida ay may letrang O sa kanyang pangalan as in Okra.