Abante Tonite Interactive

Opisyal ng Kamara, na-wow mali sa SONA attendance ni Carpio

By
913

Kinumpirma ni Atty. Cesar Strait Pareja, secretary-general ng Kamara, ang pagdalo ni Acting Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio, sa State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 23.
“He (Acting Chief Justice) has already confirmed his attendance at the SONA on Monday. We were in receipt of his reply to the invitation earlier sent by the House,” ani Pareja.

Nag-sorry din ang opisyal sa maling announcement noong Biyernes, kung saan sinabi nitong hindi makakadalo ang Acting Chief Justice sa SONA ng Presidente.

Si Carpio ay pansamantalang humahalili ngayon bilang Punong Mahistrado matapos paboran ng Korte Suprema noong Mayo ang quo warranto case na isinampa ng Office of the Solicitor General na nagpatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Si Sereno ay dalawang beses pumunta sa mga nakaraang SONA ni Duterte noong 2016 at 2017.