Abante Tonite Interactive

Opisyal ng Marine binoga sa sabungan

440

Patay ang isang miyembro ng Philippine Marine Corps sa Brgy. Tagusao, Quezon makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman malapit sa sabungan noong Biyernes Santo.

Sa nakalap na ulat, kinilala ang nasawi na si Cpl. Alfred John De Leon, enlisted personnel ng Marine Battalion Landing Team 4.

Batay sa imbestigasyon, nakatayo umano si De Leon malapit sa sabungan sa nasabing barangay dakong alas-3:30 ng hapon nang lapitan ng dalawang lalaki lulan ng motorsiklo at malapitang pagbabarilin na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaslang ay agad umanong tumakas ang mga suspek sa hindi natukoy na direksyon.

Nagsasagawa na ng manhunt operation para sa madakip ang mga suspek at malaman ang motibo nito sa krimen.