Abante Tonite Interactive

Opisyal ng Senado nagbitbit ng 2 tsimay sa Europe trip

By
385

Dinaig pa raw ng isang opisyal ng Senado ang mismong mga senador sa pagdalo nito sa isang international event.

Ayon sa impormasyon ng Tonite, kung ang ilang senador na dumalo sa event ay walang kasamang staff, aba si Miss Official ay may bitbit pang dalawang kasambahay.

Marami raw ang nagtaas ang kilay nang su­mabit ang ating bida sa naturang travel kahit iilang buwan pa lamang naman ito sa pwesto.
Ang pinagtataka pa ng ilan, 10 araw ang pana­natili ng opisyal sa Europe kasama ang kanyang mga alalay kahit ang event ay apat na araw lamang.

Hindi rin naman daw kaila­ngan ang serbisyo ng opisyal­ sa event kaya mistulang nonsense lang ang pagdalo nito.

Batay pa sa impormasyon, ang opisyal na ito ay nagsilbi rin sa isa pang kontrobersyal na ahensya ng pamahalaan bago lumipat sa Senado.
Tinanggal umano ito sa ahensya dahil sa mga kontratang ipinasok kasama ang ilang kaibi­gan na ikinapahamak ng pinuno nito.
Clue: Ang ating bida ay may letrang M sa kanyang pangalan as in Makapangyarihan sa Senado at katunog ng isang sang­laan.