Abante Tonite Interactive

Opisyal puro pa-cute sa trabaho

By
1,230

Nanggigigil na nagsumbong sa atin ang isa nating Amuyong hinggil sa dati na rin nating na­ging bida na tagapagsalita ng isang ahensya.

Mukha raw wala nang ibang alam gawin ang spokesperson na ito kundi magpacute sa iba’t ibang uri social media. Lalo na raw sa Facebook na ginagawa na raw nitong personal modeling outlet nya.

Kaso ang masaklap daw kasi sa sobrang kakapa-cute nito ay nakakalimutan na ang orihinal niyang trabaho “to bridge the gap between public and the agency”, oh English yan ha! Pero sabi ng ating Amuyong tiyak naman daw siya na tama ang kanyang mga salita ginamit.

“Hindi pwede ang supladang spokesperson, aba sayang ang pasweldo!” gigil pang sumbong sa ating ng ating Amuyong.

Paano ba naman daw kasi ilang beses siyang nagtanong sa naturang tagapagsalita sa kanyang social media account at umaasa ng kasagutan dahil active naman ito eh kaso seen zone lamang si Lola.

Maging sa mga malalaking okasyon ay hindi rin napipigilang magpa-cute ng ating bida dahil panay ang rampa at photoshoot daw ang ginagawa sa halip na gawin ang kanyang tungkulin.

Sabi tuloy ng iba, aba eh kung ganyan ang gusto niya, subukan na lang ulit niyang pumasok sa beauty pageant, tulad ng Binibing Pilipinas baka sakaling siya na ang makasagot sa tanong tungkol sa Build, Build Build, o kaya’y magpaliwanag tungkol sa privatization ng CR ng LGBTs basta’t hindi lang siya magpa-passed away sa Q & A.

Ang ating bida na ipinangangalandakan ding NBSB siya as in No Boyfriend Since Birth ay may letrang C sa kanyang pangalan as in cute na cute sa sarili.