Abante Tonite Interactive

Opisyal winakwak sa hairstyle

448

Sino daw itong opis­yal ng gobyerno ang winakwak sa social media dahil sa kakaiba nitong hairstyle nang dumal­o sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte?

Habang ang ibang politiko at opisyal ng gobyerno ay patalbugan sa suot na damit, iba naman daw ang naisipan nitong isang kalihim.

Aba’y nagpa-barbers cut daw itong si Secretary, at ayon sa natisod na info ng Tonite, pina­lagyan pa ng guhit ala-Nick Young o Shaggy P ng GSW.

‘Yun nga lang, imbes na purihin, puros panlilibak ang inabot ni Sir dahil hindi naman daw pumogi ang hitsura niya sa bago niyang haircut, bagkus ay nagmistula itong nine-dash line ng China.

Eh kung sa Newsbarbers siya nagpagupit, baka naging maayos pa ang guhit na gusto nitong idesenyo sa kanyang anit.
Clue: Ang opis­yal ng gobyerno na winakwak sa kakaibang hairstyle ay may kamag-anak na politiko.
May letrang A sa kanyang pa­ngalan.