Abante Tonite Interactive

Oplan Huli Week: 35 bus driver positibo sa shabu

337

Umabot sa 53 sa kabuuang 7,729 transport worker na isinailalim sa ‘mandatory drug test’ ang nagpositibo sa shabu sa ikinasang ‘Oplan Huli Week’ ng PDEA kahapon.

Ayon kay PDEA chief Aaron Aquino, 35 bus driver, 17 konduktor at isang dispatcher ang pinigilan nang pumasada matapos na magpositibo ang mga ito na gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Nabatid na nasorpresa ang may 7,729 public transport worker­ na kinabibilangan ng 4,460 driver, 2,727 konduktor, 18 inspector, 28 dispatcher, siyam canvasser, 29 van driver at 460 mga empleyado sa ikinasang drug test ng PDEA sa mga nasabing bus terminal sa Pasay at Quezon City. (Dolly Cabreza)