Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Oplan Kalinga dinipensa ni Eleazar

0 272

Nilinaw ni Joint Task Force COVID Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na hindi kontra sa mahihirap ang programa ng gobyerno na tinawag nilang `Oplan Kalinga’ dahil ito’y pagpapaigtingin lamang sa pag-quarantine ng mayroong mild symptom at asymptomatic sa COVID-19.

Katunayan aniya, pabor ito sa mahihirap dahil sila ang prayoridad sa mga COVID-19 patient na walang kakayahang i-quarantine ang sarili sa loob ng kanilang bahay dahil sa kakulangan ng espasyo.

Sa ilalim ng `Oplan Kalingan’, kukunin ng mga health worker at mga opisyal ng barangay, sa tulong ng mga pulis, ang mga kumpirmadong may COVID-19 na maaaring mild symptom pa lang o asymptomatic para dalhin sa quarantine facility ng gobyerno upang mailayo sa posibleng pagkahawa ang iba pang miyembro ng pamilya nito.

Giit pa ni Eleazar na hindi mga pulis ang mangunguna sa `Oplan Kalinga’ kundi ang mga health worker. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.