Abante Tonite Interactive

OPLAN TAAL: Tratuhin ang mga hayop ng may pagmamahal

390

Hello mga FURRever ­FURRiends:

Grabe ang mga pangyayari sa Taal!

Sumabog ang bulkan, ­nag-evacuate ang mga tao pero ­maraming hayop ang naiwan! ­Nakatutok ako sa Facebook noon at nalungkot ako nang makita ko ang larawan ng isang manok na tigmak na tigmak ng volcanic ash.

Ni-repost ko yung litrato sa ­Facebook at nagkaroon ng higit pa sa 6 thousand shares ang nasabing litrato sa loob ng isang oras. Ang reaksyon ng mga nag-share ay pinaghalong awa at galit.

Bakit daw iniwan ng mga ­evacuee ang kanilang mga hayop?
Sa totoo lang po, hindi natin sila puwedeng husgahan dahil WALA PO TAYO DOON.

Ang mas magandang gawin ay ­tumulong nalang sa mga animal ­rescue na isinasagawa ng ilang mga organisasyon sa Talisay, Batangas at sa mga apektadong lugar.

Isa sa mga first responder sa horse rescue ay ang PNP. Ayon kay PNP Brigadier General Rwin Pagkalinawan, nakapagrescue sila ng humigit-kumulang na 100 kabayo sa volcano side ng Talisay. Pero sa kasamaang palad, napilitan niyang i-suspinde ang rescue noong Miyerkules dahil sa ­tuloy-tuloy na peligro na dulot ng Taal.

Nakakalungkot po ito dahil ang original population ng mga kabayo sa volcano island ay ­sobra sa 1,500. Ayon sa mga residente doon, noong ­pumutok ang bulkan, may mga 80% na namatay agad at mas mababa sa 400 lang ang nag-survive.

Ang isa pang ­first-responder ay ang Philippine Animal ­Welfare Society. Ayon kay PAWS ­Executive Director Anna Cabrera, sa ­ngayon, ­nakapag-rescue na sila ng 43 ­horses, 7 cows, 4 dogs, 3 ­carabaos, 5 goats, 1 pig at 1 cat sa Balete, ­Batangas na pasok sa 14km danger zone.

Tumutulong din sa rescue ang DLSAU ­veterinary ­student na si Yna Aguilar. Sa loob ng dalawang araw ay nakapag-organize siya ng team na binubuo ng mga vet doctors, students, truck owners at farm ­owners. ­Binansagan nila ang kanilang bagong team na “­Biyaheros Animal Rescue Squad”.

Noong Miyerkules, nakipagpartner sina Yna at ang mga Biyaheros sa MMDA K9 at nakapag-rescue sila ng 106 na aso’t pusa. Sa ngayon, ang mga nasabing pets ay inaalagaan sa mga foster homes. May 4 na aso na reunited na sa kanilang mga pamilya.

PETmalu talaga!
Kung gusto ninyong mag-donate ng dog/cat food at iba pang relief goods makipag-­ugnayan sa PAWS sa Facebook – ­Philippines Animal ­Welfare ­Society (PAWS) o kay Yna Aguilar sa 09279557507.

Ipagdasal natin na tumigil na ang mga pasabog ng Taal.
May the FUR be with us,
Joyce
Photos courtesy of Juvelon Olaes ­Padilla, PNP, PAWS and Yna Aguilar