Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Oplan Tokhang ibabalik pagtapos ng pandemya

0 80

Magpapatuloy ang Oplan Tokhang ng mga parak pagkatapos ng pandemyang COVID-19.

Sabi ito ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Director General Wilkins Villanueva sa isang press conference kahapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mayroon pa rin kaming totokhangin na yet to implement and that will follow right after sa COVID. Kasi sa ngayon, mahirap makipagsabayan sa COVID eh. Right after matapos ang COVID, doon kami magi-i-start na mag-tokhangan,” ani Villanueva.

Dagdag niya, “To tell everybody, kung ang barangay ninyo ay wala pang barangay anti-drug abuse council, tokhangin ninyo si kapitan. Dapat mag-organize sila ng barangay anti-drug abuse council. So doon pa lang sa level pa lang na ‘yun, kasi ‘yun ang unang level sa barangay drug-clearing eh.”

Maraming human rights group, maging si UN Human Rights Office High Commissioner Michelle Bachelet, ang tumututol sa nasabing operasyon dahil kaugnay anila ito sa libu-libong pagkamatay sa ilalim ng giyera kontra droga ng gobyernong Duterte. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.