Abante Tonite Interactive

Oplan Tokhang tuloy — VP Leni

371

Itutuloy ng pulisya ang pagsasagawa ng Oplan Tokhang bilang bahagi ng kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay PNP officer-in-charge (OIC) chief Lt. General Archie Gamboa, ito ang napagkasunduan nila ni Vice President at bagong drug czar Leni Robredo sa kanilang meeting sa Inter-Agency Committee on Anti-Illigal Drugs (ICAD) kahapon.

Ayon kay Gamboa, maayos ang naging pulong nila ng pangalawang pangulo at pumayag itong i­tuloy ang Oplan Tokhang bilang bahagi ng kampanya kontra iligal na droga.

Pumayag umano si Robredo matapos malaman ang tunay na ibig sabihin sa termino sa Visaya ay ‘Toktok Hangyo’ o ‘Katok Pakiusap’ naman sa tagalog.

“It had became a byword kasi parang madali siyang maalala parang kantong usapan, she’s also convince na ‘yung tokhang ay hindi naman, Bisaya kasi kami tokhang came from a Visayan word, kung titingnan mo ‘yun theres no killing in tokhang,” pahayag ni Gamboa sa panayam kahapon sa pagbubukas ng gun show sa isang mall sa Mandaaluyong City.

Pakiusap lang umano ng Bise President na ipaintindi ito sa publiko sa pamamagitan ng isa pang programa.

“We were able to convince her na meron lang probably re packaging or re-tooling of how it is goin­g to be presented but she is convince that indeed the Philippine anti drug strategy is already a strategy that can be adopted outright,” saad pa ni Gamboa. (Edwin Balasa)