Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Oposisyon dapat magkaisa sa 2022 – Kiko

0 109

Binigyang-diin ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang pagkakaisa ng mga oposisyon sa susunod na presidential election sa 2022.

“Ine-encourage natin at sinusuportahan natin ang effort na pagkaisahin ang lahat ng mga nais na bigyan ng alternatibo ang ating panunungkulan, alternatibo sa administrasyon. Kailangang magkaisa,” sabi ni Pangilinan, presidente ng Liberal Party.

“For unity to be achieved, we must set aside our differences and focus not on what divides us but on what unites us,” dagdag niya.

SM food to go Banner Ad

Sinang-ayunan din ng senador ang sentimyento ni Vice President Leni Robredo na isang kandidato lang dapat ang ilaban sa pagka-pangulo laban sa kandidato ng administrasyon.

“Kung tatlo o apat na kandidato, eh malaki ang tiyansa na administrasyon pa rin ang mananalo. Sa iyan, number one, kailangan isa. And she also said it does not have to be her.” (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.