Abante Tonite Interactive

Oposisyon di pa rin susuko – De Lima

698

Tiniyak ni Senador Leila de Lima na hindi pa rin susuko ang united opposition sa pakikipaglaban sa ikalawang yugto ng authoritarianism ng Duterte administration sa kabila ng pagkatalo sa midterm elections.

Ayon kay De Lima, bagama’t natalo sila sa nakalipas na halalan ay hindi pa rin opsyon sa kanila ang pagsuko sa kanilang ipinaglalaban.

“Yes, it is another setback. Yes, this is no ordinary loss. But with loss comes the opportunity to learn. And we won’t learn anything if we let ourselves wallow in disappointment or give in to hopelessness,” saad ni de Lima.

Aminado ang senador na ang kanilang pagkatalo ay sadyang mahirap at masakit subalit mas mahalaga aniya na lumalaban sila para sa bansa at para sa kinabukasan ng kabataan.

“This loss was hard. Painful. But we should not give up. Because this fight is perhaps the most important fight of our entire history as a nation. We are fightin­g for our future, our children’s future. We are fighting for our soul as a nation,” diin ni De Lima.

Una nang inilarawan ni De Lima ang ikalawang bahagi ng Duterte administration bilang terible at nakakatakot dahil sa kanilang plano na isulong ang Charter Change, mas madugong laban sa droga at ang tuluyang pakikiisa sa China.

Wala naman aniyang dapat sisihin sa pagkatalo ng Otso Diretso subalit hindi pa rin aniya ito dahilan upang isuko ang younger generation sa tinawag nitong oppressors. (Dang Samson-Garcia)